27 October, 2008

MAG-SMILE ARAW ARAW!

I was uploading a video that I made in youtube, when I saw this video in the featured section of the site. It's entitled "Show Your Smile". It's a good idea. For me, it's always important to smile. I smile a lot, not because I want to make pa-cute with people, it's just that I feel like I want to smile every time. "A smile makes wonders", as what I said in my extemporaneous speech, it makes a person attractive and it also make other people smile. Whenever I'm not in the mood, after I see people who has beautiful smile, I feel like my day is happy again. I smile a lot, whenever I see beautiful things, whenever I am happy, whenever I am with my family, whenever I am with my friends, whenever I say the wrong things and the list goes on.

Here's the video and I want to share it with you guys!=)



SMILE MY FRIEND!=)

26 October, 2008

VI-DEO? VI-DEO? VI-DEO ba yan?

It's Sunday and it's boring! I have nothing to do here. Why? I only have P150.00 in my wallet! eventhough I want to go to the mall and watch a movie, my money is not enough!!! I stayed here in our house in San Fernando the whole day! Eating almost every food I see inside the frige! That's why I cannot complain why I'm fat!!! I ate kari-kare, cracklings chips, chicharon, tuna and candies! Waaaaah!

Anyway, because I am really bored, I decided to make a video for Kat's entire stay in the Philippines.. here it is..




21 October, 2008

The Capones Island Adventure

Bago pa man magsimula ang aming sembreak ay pinlano na ng Wednesday group ang outing na ito. Kumpleto dapat kameng lima pero last minute nag-back out si francis dahil wala daw papalit sa kanya sa gig nila. Nagkitakita sila Al, Tin and Vanjz sa Cubao then we met sa SM Pampanga, dahil dyahe naman kung pupunta pa ako ng Cubao e dadaanan din naman namin ang Pampanga. Dapat ay sa Iba, Zambales kame pupunta, pero napagdsisyunan namin na sa may Pundaquit na lang kame pumunta at magstay overnight sa Capones Island. Dumaan kame sa SCTEX para naman makita nila Al at vanjz yung mga hinating bundok. Nag-stop over muna kame sa Subic para sana mag-lunch sa mga picnic huts doon, kaso ang mahal ng fee! P1,000.00! Huwag na! Umalis na kame at sa may korean whatever parking na lang kame nglunch sa Olongapo. Pagkatapos ay diretso na sa Zambales.

Sa SM Pampanga para bumili ng iba pang makakain.

Zambales here we come!!!

Sa SCTEX. yan yung isa sa mga hinating bundok.

Yan yung mga napakamahal na picnic huts!


Nang nasa may San Antonio na kame, nagstop over muna kame saglit upang bumili ng Red Horse, syempre hindi mawawala ang inuman sa aming grupo, kaya ang tataba namin di ba? haha! Tapos ay dumiretso na kame, sa may Canoe Resort kame, yun ung dating Capones Resort na pinuntahan namin noong mga bata pa kame. Tapos ay kumausap na kame ng bangkero para hatid kame sa Capones Island. Mag-gagabi na din ng makarating kame sa Island at ang ganda ng sunset. Nag-picturan muna kame at nagset na ng camp.






After ng mga photo op ay nagprepare na kame ng aing dinner, yung dala kong tilapia at bangus ay inihaw na namin. Wala kame dalang gas kaya alcohol na lang ang ginamit namin para sa pansiga namin sa mga uling. Binanlawan ko ang yelo tapos ay chinop ko gamit ang kutsilyo na binili ko sa palengke dun. Habangchinochop ko ang yelo ay biglang tumagos sa aking kamay ang kutsilyo! WAAAAAAAAH! Duguaan ang aking kamay. Agad ko itong binanlawan s dagat at nilagyan ng alcohol. Wala kame dalang first aid kit, kaya walang bad-aid. Kaya ang ginawa ay binigyan ako ng panty liner kay Vanjz at yun ang ginamit kong band-aid. Abah! Effective! Talagang titigil ang pagdudugo! Wahahahahahahahaha! tapos ay kumain na kame. Yung pasta na dala ni Vanjz, yung chicken asado na niluto ng mama ko at yung mga inihaw naming isda.





After kumain ay inuman time na! kailangan bilisan dahil koni na lang ang yelong binili namin dahil natunaw na sya. Syempre kwentuhan ng kwentuhan ng kung anu ano. Ang bagal nga ng oras sa isla eh! Parang lasing na kame pero ang aga aga pa. Wala pa kame sounds o kung ano man, mga cevllphone lang meron kame, hindi naman pwede pangmatagalan ang pagpapatugtog e baka malow batt ang mga yun. Naglublob muna kame sa dagat at ng picturan nanaman syempre!






Alas dos ng madaling araw ng magpasya kame matulog. Since pandalawahan lang yung tent na dinala ni Tin, dahil nga hindi nga nakaplano na sa isla kame magstay, sa labas kame ni Al natulog. Ang lamig, wala ako dalang jacket, towel ko lang ang pinangkumot ko. Tapos andmi pang insektong nangangagat! Paputol putol ang tulog ko dahil sa mga hayop na kumakagat sa akin! Ang aga ko din nagising. 6:15am ata gising na ako. Kaya nagpicture picture ako ng kagandahan ng isla.











Nang magising na ang lahat ay nagbabad nanaman kame sa tubig. Ito na din ang time para makapagpa-tan. Syempre picturan nanaman kameng mga addict sa camera. Canon Ixus pa lang nyan mga camera namin ah, panu pa kaya kung may SLR kame. Tapos ay nabuyo ko sila Al, Tin at Vanjz na umikot ng isla. Actually sabi ko punta tau dun sa mas masarap magswiming na white sand. kaya un! Pinaikot ko sila sa isla. Maganda din yun way na magpaitim. Mabato ang dinaanan namin madudulas. Pero masaya naman. Tapos ay sinundo na kame ni manong bangkero at bumalik na sa pundaquit.
















Pagkatapos ay umuwi na kame. Naglunch kame sa palengke ng San Antonio pagkatapos ay dumaan muna kame sa bahay namin sa San Fernando para magmerienda. Hapdi ng balat ko!!! Sun Burn!!! Pero masaya ang aming naging trip! Wahahaha!

17 October, 2008

Bye Old House

I miss out old house. It's an old home, built in the late 1940's. My dad and his three siblings grew up in this house. Me and my four siblings were also brought up by my parents here. There are really a lot of memories that I had in our old home. I wish I had all the time to tell each and every memorable stuffs we had in our house. Whew! The past two weeks, I've been living here in our other house in San Fernando. I don't feel like living here. Its BORING!!!!! Anyway I'm sleepy now. I just want to kill some time that's why I wrote here. Here are some pictures of our old house. Three to four months from now, Hello! new home!








05 October, 2008

REKLAMADOR! dor. dor.. dor.. dor...

Maraming nagsasabi na kami daw mga law students ay puro reklamo. Reklamo ng reklamo kahit mababaw lang ang inirereklamo. Totoo ba 'yun? Hindi naman siguro. O, sabihin natin na reklamador nga kami, eh ang inirereklamo naman namin eh para naman sa amin. Anu pa't nag-aaral kame tungkol sa batas kung hindi rin lang naman namin alam kung ano ang tama o hindi. Wahaha! Bata pa ako reklamador na ako. Lagi nga ako pinapagalitan ng papa ko dahil reklamo ako ng reklamo lagi. Lalo na ngayon, si Inday, naku naku naku! Lagi ko yan pinapagalitan kasi naman laging palpak!!!!
REKLAMADOR!!!
Puyat na puyat ako kaninang kasi naginuman kami nila Tin friday night. Naka-tag-dalawang macho mug kame sa quatro. Bago kami pumunta sa Quatro ay kakain sana kame dun sa may "World Class Persia Kebab", sa maniwala kayo at sa hindi, may uod ang lamesa na inupuan namin at ang baho nung mesa. Inireklamo namin sa waitress. Paliwanag nung waitress, baka sa basahan daw. Hala! Kahit na ba di ba? Anu yun?! Si tin nga napasigaw ng makita nya yung uod eh, okay lang sana kung isa lang yung nakita namin eh, kaso tatlo ata yun! kaya nagpasya na kame na lumipat.
REKLAMADOR!!!
GRRRRRRRRR! Dahil nga sa napuyat ako n ung friday night, kailangan kong bumangon ng maaga para makapasok sa Legal Medicine class ko. 9am nagising na ako, 6am na ako nakatulog nun dahil nag-online muna ako saglit paguwi ko galing inuman. Nagmadali ako sa pagkain, pagligo. Nagreklamo pa ako kay manong conduktor kung bakit ambagal magdrive ng driver, kaya 'yun binilisan ang pagddrive, 50mins lang ang naging travel time ko kanina, mula Pampanga hanggang Manila. Whew! Pagdating ko sa classroom, ABAH!!!! Walang tao!!! Mga higher years ang mga nandoon!!! Nagpunta ako sa dean's office, tinanong ko kung dadating pa ang prof namin, sabi ni manang, sa thursday na lang daw ang exam namen! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! parang gusto ko sumigaw kanina at magreklamo kaso andun yung isang prof. Kaurat di ba? Wala man lang akong isang oras sa Manila, umuwi na agad ako.
REKLAMADOR!!!
Nung friday din exam namin sa Land Titles and Deeds! In deed, it is a 10,000 unit subject!!!! we were only given an hour to take the exam! To think there are, i believe, 20 items!!! Ang kupal kupal pa nung nagproctor! nakikiusap na nga kame na i-extend ang time kahit 15mins lang ayaw ng hayop!!! Kala mo kung sinong may position sa judiciary! Mauurat ka talaga! Make or break kami lahat dun, dahil nga sa finals dumidipende ang prof namin! Kaurat talaga! 3 o apat ata ang blank page ko! Yung adverse claim ko nga hindi ko pa natapos! Tapos yung isang number saktong dalawang linya lang ang may sulat!!!! Nakakapanlumo talaga!!! We tried to talk to the associate dean, kaos sabi nya wala na daw magagawa kasi nga tapos na ang exam! WAAAAAAAAAH! Paano na kame?! Halos transferee pa naman din kame! kapag nagkabagsak kame, uulitin namin ang mga conditional subjects namin! Biruin mo tapos na ako ng oblicon uulitin ko pa ang persons? assuming na tapos na papasa ako sa constitutional law, uulitin ko ulit ang political law pagnagkaganun!!! Waaaaaaaaaaah!!!! Magiinit talaga ang ulo, yung isa namin classmate hindi na talaga nya napigilan maluha, kasi nga ang hirap ng sitwasyon naming mga trasferee!!!! Lord sana mahabag si Justice at ipasa nya kameng lahat...
REKLAMADOR!!!
Ang init kaninang hapon! pati ulo mo magiinit! Ang baho pa ng katabi ko sa bus kaninang pauwi ako. Amoy sunshine!!!! Ang init talaga kanina, pro ahit mainit, dahil gusto kong kumain ng tinapa, dumaan muna ako sa palengke para bumili ng TINAPANG BANGUS! Puta! Ang putik putik sa palengke! nakakaurat! Eh, ang bilis ko lumakad, ayoko ng mabagal, kaya ayun! nagdahandahan pa ako sa paglalakad dahil nga nakasapatos ako. Pagdating ko dun sa bilihan ng tinapa aba! 35 pesos daw ang isa eh ang liliit naman! sing haba siguro ng palad ko! Nagreklamo ako syempre! Kaya ayun! binigay na lang ng 25 pesos isa kaya 3 ang binili kong tinapa! Wahahaha!
REKLAMADOR!!!

O sya! Hanggang dito na lang muna ang dami dami ko pang cases na kailangan i-digest! 60 para sa constitutional law at 25 naman para sa labor! Ang sakit na ng kamay ko! Kanina pa ako nagsusulat! Mayap a Abak!!!=)